About Me

My photo
NCR, Philippines
♥i stand up for myself and my beliefs,♥ ♥i stand up for those i love♥ ♥i speak my mind, think my own thoughts or do things my way♥ ♥i won't compromise what's in my heart ♥ ♥i live my life MY way♥ ♥i won't allow anyone to step on me♥ ♥i refuse to tolerate injustice♥ ♥it means i have the courage and strength to allow myself to be me♥ ♥so try to stomp on me, try my inner flame! and if that makes me a bitch, so be it♥

Tuesday, January 4, 2011

A True Love Story


"Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon."
Ako si Janine, Tourism student. Lumaki ako sa marangyang pamumuhay pero never akong naging spoiled, dinisiplina ako ng maayos ng parents ko.
Masaya ang pamilya ko. Masaya ako sa mga kaibigan ko. At higit sa lahat masaya ako sa taong mahal ko. Hanggang sa ..........
.....
I was 4thyear highschool ng nakilala ko si Joshua, tahimik sa una pero sobrang kulit pala. He's nice and cute. Kilalang-kilala siya sa school. Varsity player siya. Everytime na may laban sila ng basketball, he always invites me. Gusto nya lagi akong nandoon, sabi niya ako daw goodluck charm sa kanya.
Almost 1 year din nya akong niligawan. Oo, halos isang taon siyang nagtyaga sa akin mapasagot lang ako.
Eto college na kami, I took up Tourism, at kami na ni Joshua. We studied in different school. Siya ang naging inspirasyon ko sa araw-araw. Siya ang nagbigay kulay sa magulo kong mundo. Siya yung taong kahit sinasapak ko na sasabihin nya lang "ang sweet mo talaga". Siya yung dahilan kung bakit I want to finish my studies and have a good job, to have a brighter future with him, to be my husband, to be the dad of my children.
Madami na rin kaming pagsubok na pinagdaanan. Siya ang first boyfriend ko pero I'm not his first girl. May times na eto na naman ang mga ex nya, tamang pa-cute sa kanya. Patext-text pa eto naman si Josh tamang reply. Nakakaasar, selosa ako, aminado ako dun. Minsan sa sobrang asar ko sa kanya he texted me many times pero hindi ako nagrereply, tatawag man siya kahit 100 missed calls na hindi ko talaga sinasagot. Ilang days ko siyang tiniis. Pinarealize ko lang sa kanya na dapat ako lang. After nun, parang namimiss ko na siya, halos 3 days din siyang hindi nagparamdam. Ang sakit, parang ako yung nagtulak sa kanya na saktan ako. Labo talaga. And then narealize ko, sana pala may tiwala ako sa kanya. Hindi lang laging puro ako lang. Imbes na siya yung tinuruan ko, ako yung natuto nung lessons. Immatured ako masyado, selfish.


The next day, I called him. Grabe, parang taon kaming hindi nagkita. Niyakap ko siya na parang hindi kami nagkita ng sampung taon. Ganto pala feeling na secured ka, alam mong mahal ka nya nga talaga. Nagsorry ako, nagsorry sya. We talked about our mistakes. Naayos ang tampuhan. Balik sa normal ang lahat, we love each other more. Lagi niya akong hinahatid, at sinusundo. We date always if we both free. He help me when Im in need, ganun din ako sa kanya. Legal kami both, close kami ng Mom and Dad niya, pati rin siya, close din siya sa family ko. I always thank God for giving him to me. Kahit madaming trials, nalalagpasan namin.
It was our second year ng may isang malaking dagok sa buhay ni Josh. Namatay ang dad niya. Heart Attack.
I was beside him. Hindi ko siya iniiwan. He needs to be strong dahil panganay siya, at kelangan na kelangan siya ng mga kapatid niya at ng mom niya.
Months past, ang hirap magmove-on. He always wants me to see. Kahit may class kami both, we cut then we went to different places para mag-enjoy ng sandali at makalimutan ang bawat problema namin.
....
Its been a year na since Josh father died, We all missed tito. Naging close din kami kahit papano at alam kong boto siya sakin para sa anak nya.
...
Dumaan ang panahon, lumipas ang araw, tumakbo ang oras, Eto kami ni Josh. Masaya, getting stronger. Laging magkasama sa hirap at saya.
Mag 3 years na kami, malapit na kaming gumraduate, isang taon na lang. Strong pa rin ang relationship namin ..
....
Masaya ang pamilya ko. Masaya ako sa mga kaibigan ko. At higit sa lahat masaya ako sa taong mahal ko. Hanggang sa ..........
Sinubok ang love namin sa isa't-isa.
Madalas ng nakakaramdam ng di maganda si Joshua, halos pabalik-balik na kami sa hospital. Akala namin, simpleng sakit lang. Yung tipong within 3days lang siyang na-admit pwede ng umuwi.
Pero hindi pala, he diagnosed na meron siyang Leukemia.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Halos magunaw ang mundo ko. Lumipas ang ilang buwan na palala ng palala si Josh. Nagkaproblema na rin ako sa school dahil ako laging nagbabantay sa kanya. Yung Mom niya nagtake-over ng business nila, at ako ang nag-aalaga kay Josh sa hospital. Araw-araw siyang dinadalaw ng mga tropa niya, classmates, and old friends. They give him strength, they help him to feel better kahit na alam kong ramdam nilang hirap na hirap na si Josh.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko, nagawa ni Josh para magkaganito kami. Nung una, yung Dad niya then siya naman ngayon ang halos binabantaan papuntang kabilang buhay.
Iyak ako ng iyak, I always pray to God, "Lord bat naman ganto? naging masama ba ako? para si Josh ang maging kabayaran? wag mo naman siyang kunin kaagad, gusto ko pa siyang makasama habang buhay, ang dami-dami pa namin plano."
Lagi kong pinanghahawakan ang dasal ko, ang paniniwala sa maykapal.
Faith kay God. Isa sa natutunan ko sa magulang ko, at kay Josh.
Kumapit ako kay Lord. Alam ko siya na lang pag-asa ko.
Pahina ng pahina si Josh, he always keep on telling me "mahal kita beb, mahal na mahal"
Parang dinudurog yung puso ko. Everytime na sasabihin niyang mahal niya ako, natatakot ako na baka yun na yung huli.
..
It was friday noon, umalis ako sa hospital para kausapin yung prof ko. Nagpaalam ako kay Josh, sabi ko aalis ako sandali.
Mom nya nagbantay sa kanya.
..
Ilang oras ang lumipas, they are calling me .. Si tita (mom ni Josh) she's crying.
"Nin, balik ka na ng hospital please, Josh needs you, hurry ... please" *crying*
Oh my! Whats happening? Parang hindi ko alam gagawin ko, halos gusto kong lumipad papuntang hospital nung marinig kong nagmamakaawa si tita sa phone.
Sumakay ako ng taxi, and I was begging to the driver na yung kaya nyang bilis sa pagmamaneho gawin na niya, I will pay him kahit magkano. Hinahabol ko yung oras ni Josh. Yung oras ng taong mahal ko. Yung taong ayokong mawala sa buhay ko.
....
Pagdating ko sa hospital, andun din yung ibang cousins nya at iba naming friends. Tita called them too. Some was praying, some was crying.
Ako? Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto ko ng ibigay ang buhay ko para sa kanya. Di bale ng ako ng mawala wag lang sya.
..
Eto na....
Tumatakbo na mga doctor at mga nurse, nagpapanic ang lahat at umiiyak. Then the doctor called Tita (Josh mom) ..
Hinahabol na ni Josh yung hininga nya, parang nakikipagpatentero sa oxygen. Magkasama kami ni tita na lumapit sa kanya, he was smiling .. then kami super iyak na ng iyak.
"I have to go mom, magkikita na kami ni dad" he said.
Hindi ko alam, parang mukhang lahat ng liquids sa katawan ko maluluha ko na nung narinig ko yun, gusto ko siyang sapakin tulad ng ginagawa ko sakanya dati tapos sasabihin niya lang na ang sweet ko, parang gusto kong tawagin lahat ng ex nya para bumangon siya at patunayan niyang ako lang. Kung anu-ano naiisip ko. Habang naglalakbay ang diwa ko habang umiiyak. Na halos mag makaawa ako sa Diyos na wag niyang kunin si Josh, wag muna. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Siya lang ang buhay ko, at ang dahilan ng bawat kasiyahan ko.


"Beb wag please .. wag mo kaming iwan, wag mo kong iwan .. mahal kita, lumaban ka .."
"anak kaya mo yan .. lumaban ka .. anak .. ... ... .. please ... " -Josh mom
halos nagtatalo ang boses namin ni tita habang lumalaban si Josh, habang naghihintay na paghahatol.
hanggang sa ..
"mahal kita ... ma .......... mahal kita nin ....uh..."
at nung makita ko yung tuwid na linya sa isang aparato sa ospital na senyales na wala ng buhay, halos gusto ko ng magpakamatay na rin.
We are all crying ...
Binitiwan na ni Josh ang kamay ko ..
Eto na yung kinatatakutan ko, ang iwanan nya ako.
"Paalam mahal ko............."

No comments:

Post a Comment